“Tinanong ko kung baka dahil lang sa dayuhan s’ya kaya s’ya ginagatasan. Ang sagot nya: ‘No Filipinos do it even to other Filipinos’. Kitang-kita ko ang pagbagsak ng bandera ng Pilipinas sa sinabi n’ya, naramdaman ko pa ang pagtama ng flag pole sa ulo ko!”

The Philippine Post, 052800 (Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?)



“Gumising ka na at maghilamos, Pilipinas. Masarap ang almusal!”

Bob Ong Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino? (2002)



“Minsan isang tao lang ang kasama mo buo na ang mundong kailangan mo habang buhay.”

Rogelio, Bob Ong Kapitan Sino (2009)



CY Gabriel… ang sabon ng mga artista.

Bob Ong Kapitan Sino (2009)


“Kung importante sa buhay ng tao ang teleponong may camera, dapat dati pa tayo lahat namatay!”

CyrusBob Ong Macarthur (2007)



Naubusan ako ng Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan sa National Book Store, wala namang ibang bilihan ng libro dun sa mall na yon. Kaya eto nabili ko, okay na ‘to basta may mababasa. 

Maganda ang libro, kwento ng mga adik at sari-sarili nilang problema. Pagkatapos kong basahin, hindi pala dapat na kamuhian ng sobra ang mga adik. Pinipilit nilang mag-bago kahit hindi kaya. May mabibigat ding problema. Nagsasakripisyo para sa mga taong mahal nila. At higit sa lahat may nararamdaman, nasasaktan pero hindi sumusuko. Kahit naghihirap pinipilit mabuhay para sa mga taong mahal nila.


“Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta o mga lumilipad na ipis o kung may pagkukulang sayo ang mga magulang mo, pwede kang manisi at maging rebelde, tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ng buhok sa kili-kili. Sa bandang huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili.”

Bob Ong Stainless Longganisa (2005)



“Biktima tayo ng pambansang kamangmangan na pinakikinabangan ng ilan.”

Bob Ong Stainless Longganisa (2005)



“Tuparin ang pangarap. Obilgasyon mo yan sa sarili mo. Kung gusto mo mang kumain ng balde baldeng lupa para malagay sa Guinness Book of World Records, at maipagmalaki ang bansa natin, sige lang. Nosi balasi. Wag mong pansinin ang sasabihin ng taong gustong humarang sayo.”

Bob Ong Stainless Longganisa (2005)



“Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag kang susubok mag-drugs.”

Bob Ong Stainless Longganisa(2005)




Sundot-Kulangot
Hindi ako si Bob Ong, isa lang ako sa mga bumabasa ng mga libro niya. Ako si iisha isa sa mga may hawak ng basurahan ng nagtataeng ballpen ni Bob Ong.
Read the Printed Word!

Random Links,
ang tao sa likod ng blog na 'to Bob Ong Books